mahiyaingnilalang:

Isa sa mga kandidato ng Ginoong La Salle 2012. Si John Ces Espiritu. 
Hindi na ako nagulat nung nalaman kong kasali siya sa patimpalak na to. May angkin naman siyang itsura, talino at talento kaya napili siya bilang represenatative ng aming kolehiyo.
Naging kaklase ko siya ng isang semester. Hindi ko man siya nakausap, pero base sa obserbasyon ko eh mabait at masipag siyang tao. Palangiti, hindi isnabero. May talino siya, oo. May talento rin. 
—-
Dumating na yung araw ng pagbibigay ng titulong Ginoong La Salle 2012 sa karapat-dapat na kandidato. Marami siyag taga-suporta lalo na ang blockmates niya na todo ang cheer sa tuwing siya ay lalabas ng stage. Mahigpit ang laban. Lahat ng kandidato gustong manalo. Hanggang sa dumating ang ‘Question and Answer’. At ang tanong sa kanya, ‘If you were to change anything in this world, what would it be?’ Mahirap. Kinakabahan siya. Natataranta. Buti na lang may ilang segundong ibinigay sa kanya.
 “If I were to change something in this world, it would be myself….”
Naghiyawan kami! Isang napakagandang sagot! Napapalakpak ako nung nasabi niya yun. Sobra sobra yung paghanga ko sa kanya. Ang galing talaga. Basta, ako at maging yung mga katabi ko ay napangiti dahil dun.
Ilang minuto pa ang lumipas, isa isa ng binibigyan ng award ang mga kandidato, tulad ng Mr. and Ms Congeniality, Photogenic, Best talent at iba pa.
Hanggang sa inaanunsyo na ang 2nd and 1st placer at ang Ginoong La Salle 2012. Nakakakaba. May mahigpit siyang kalaban. Aminin na, yung taga-kabilang kolehiyo na halos lahat ng babae eh tumitili sa kanya pag siya ay nakikita. Malakas audience impact. Ayan na. ‘And for Ginoong La Salle 2012 First Place, Ginoong CIHM!’ Napasigaw kami!! Oo, kasi confident na kami na si Ces yung mananalo. Napatayo kami sa kinauupuan namin! Sumisigaw. Nakita ko siya, napahawak sa kanyang dibdib. Kinakabahan siya. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya. Hanggang sa, ‘And your Ginoong La Salle 2012 is….. Ginoong CBAA!!’ Sigawan na kami ng sobra. Bakas sa amin ang kasiyahan. Proud na proud kami. MASAYA! ANG GALING! SOBRANG TAAS NG PAGHANGA KO SA KANYA.
Hooo!! One proud Achiever here. From the College of Business Administration and Accountancy! Congratulations Ces, ikaw na ang Ginoong La Salle 2012! 
yum :>
micasaessucasa:


A Dream Loft in Bagnolet, France


cute :)
LOL. Benta sakin. :P